Noong ika-1 ng Hulyo 2015, pinagtibay ang Batas sa Pambansang Seguridad ng Republikang Bayan ng Tsina sa ika-15 pagpupulong ng Permanenteng Komite ng ika-12 Pambansang Kongresong Bayan, at itinalaga ang ika-15 ng Abril bawat taon Araw ng Edukasyon tungkol sa Pambansang Seguridad.
Layunin ng Araw ng Edukasyon tungkol sa Pambansang Seguridad na isulong ang kamalayan ng publiko tungkol sa pambansang seguridad at lumikha ng positibong kapaligiran na nangangalaga sa pambansang seguridad, pagbutihin ang kakayahang labanan ang mga banta sa pambansang seguridad, palalimin ang pag-unawa sa Saligang-Batas, Pangunahing Batas at pambansang seguridad at magtaguyod ng diwa ng pambansang pagkakakilanlan.