跳到主要內容
Pagsasabatas ng Batas sa Pambansang Seguridad

Ang Espesyal na Administratibong Rehiyon ng Hong Kong ay isang hindi matututulang bahagi ng Republikang Bayan ng Tsina at isang lokal na administratibong rehiyong nagtatamasa ng mataas na antas ng awtonomiya at direktang nasa ilalim ng Sentral na Pamahalaang Bayan. Ang pangangalaga sa pambansang kasarinlan, seguridad at mga interes sa pag-unlad ay tungkulin ng Espesyal na Administratibong Rehiyon ng Hong Kong ayon sa Saligang-Batas at may kinalaman sa bawat mamamayan ng Hong Kong. Dahil sa mga tumitinding banta sa pambansang seguridad na kinakaharap ng Rehiyon, isinabatas ng Sentral na mga Kinauukulan ang Batas sa Pambansang Seguridad ng Hong Kong sa antas ng estado upang matakpan ang mga butas sa pambansang seguridad ng Hong Kong.