Ang kahulugan ng estado: Ayon sa teorya ng pampublikong pandaigdigang batas, may apat na mahalagang elemento ang estado, iyon ay tao, teritoryo (kasama na ang lupang teritoryo, tubig na teritoryo at espasyong panghimpapawid na teritoryo), kasarinlan at pamahalaan.
Itinatag ang Republikang Bayan ng Tsina noong 1949.
Ang Hong Kong ay bahagi na ng teritoryo ng Tsina noon pang sinaunang panahon (Pambungad sa Pangunahing Batas). Ang Espesyal na Administratibong Rehiyon ng Hong Kong ay isang hindi matututulang bahagi ng Republikang Bayan ng Tsina (Artikulo 1 ng Pangunahing Batas) at magiging isang lokal na administratibong rehiyon ng Republikang Bayan ng Tsina na magtatamasa ng mataas na antas ng awtonomiya at direktang nasa ilalim ng Sentral na Pamahalaang Bayan (Artikulo 12 ng Pangunahing Batas).
Pambansang Seguridad
Ang kahulugan ng pambansang seguridad: Ang pambansang seguridad ay ang kalagayan kung saan hindi humaharap ang pamahalaan, kasarinlan, pagkakaisa, integridad ng teritoryo, ikabubuti ng mga mamamayan, napapanatiling pag-unlad na ekonomiko at panglipunan, at iba pang pangunahing interes ng estado sa anumang panganib at walang pangloob o panglabas na banta at ang kakayahang mapanatili ang kalagayang pangseguridad (Artikulo 2 ng Pambansang Batas Pangseguridad ng Republikang Bayan ng Tsina).
Dapat bigyang-kahulugan ang pambansang seguridad ayon sa apat na magkakaibang batayan. Ito ang:
- Pangangalaga sa seguridad ng mga pangunahin at mahahalagang interes ng estado. Sakop nito ang pamahalaan, kasarinlan, pagkakaisa at integridad ng teritoryo, ikabubuti ng mga mamamayan, at napapanatiling pag-unlad na ekonomiko at panglipunan;
- Ang pambansang seguridad ay ang kalagayang walang panglabas na banta at panghihimasok at walang pangloob na gulo;
- Ang mga paktor kaugnay ng pambansang seguridad relatibo at dinamiko. Sa tunay na mundo, walang wagas na pambansang seguridad. Palaging may mga paktor ng panganib. Dapat palagi tayong maging mapagmatyag; at
- Kasama sa pambansang seguridad ang pagpapabuti sa kakayahang matiyak ang isang napapanatiling ligtas na kalagayan, ang palaging pagpapalakas ng pagbuo ng kakayahang pangalagaan ang pambansang seguridad, at ang pagbabantay laban sa at paglutas ng mga paktor ng panganib at mga tunay na panganib.
Ang Kahigitan ng mga Pambansang Interes
Ang prinsipyo ng pambansang seguridad ay ang paglalaan ng pinakamataas na priyoridad sa mga pambansang interes.
Ang pambansang seguridad ay para sa ikabubuti ng 1.4 bilyong katao ng buong bansa at isang mahalagang pundasyon ng estabilidad nito. Namumuhay ang mga tao nang payapa kapag masagana ang bansa, at bansa muna bago ang pamilya. Tiyak na pangunahin at pinakapayak na hangarin ng lahat ng tao sa buong daigdig na makaranas ang kanilang mga bansa ng payapang pag-unlad, magtamasa ang kanilang mga lipunan ng kasaganaan at estabilidad at mabuhay sila nang payapa at makabuluhan. Nakasalalay ang mga pangunahing interes ng lahat ng mga tao sa pambansang seguridad.
Kung wala na ang balat, saan makakakapit ang buhok? Kapag nanganib ang mga pangunahing interes ng bansa katulad ng kanyang teritoryo, kasarinlan at pamahalaan, manganganib ang pambansang seguridad at mawawalan ng seguridad para sa mga tao. Pangunahing responsabilidad ng bawat mamamayan ng Hong Kong na pangalagaan ang pambansang seguridad.
Ang pangangalaga sa Pambansang Seguridad ay Pambalanang Tungkulin ng Lahat ng Tao
May napakahalagang responsabilidad ang Sentral na Pamahalaang Bayan para sa mga usapin ng pambansang seguridad kaugnay ng Espesyal na Administratibong Rehiyon ng Hong Kong. Tungkulin ng Espesyal na Administratibong Rehiyon ng Hong Kong sa ilalim ng Saligang-Batas na pangalagaan ang pambansang seguridad at gagampanan ng Rehiyon ang kanyang tungkulin nang nararapat (Artikulo 3(1) at (2) ng Batas sa Pambansang Seguridad ng Hong Kong). Pambalanang responsabilidad ng lahat ng mamamayan ng Tsina, kasama na ang mga mamamayan ng Hong Kong, na pangalagaan ang kasarinlan, pagkakaisa at integridad ng teritoryo ng Republikang Bayan ng Tsina (Artikulo 6(1) ng Batas sa Pambansang Seguridad ng Hong Kong).